Showing posts with label halik. Show all posts
Showing posts with label halik. Show all posts

Friday, February 5, 2010

Pita


Pita kong makita ang pulupot ng mga braso,

Marinig ang impit na hagighik,

Ang mga patagong kiliti,

Panakaw na halik,

Mga bulaklak na kapwa nagmamasid

Sa liwasan na isang sinehan

Kung saan laging pinapalabas

Ang nakaraang inaasam.