Thursday, January 7, 2010

Yosi

Ang usok ng sigarilyo,

Naglubid ng makakapal na ulap,

Makakapal na ulap

Na pumulupot sa aking leeg,

Humihigpit

Habang aking paghigop tunog ng tren

Mabilis

Pabilis.

Paghahanda sa Umaga

Sa umaga ang panalanging mas malambot pa sa unan,

Pagtimpla ng kape o tsaa pagkatapos,

Sa pagitan ng mga higop, mahahabang buntong hininga,

Nais makakita ng mga bulaklak

Nais makakita ng mga ulap,

Nais maamoy ang langit,

Darating ang kasagutan sa hulagway ng mga anghel,

Pagkislap ng balintataw,

Ay tanda ng simula,

Walang mahabang araw sa nakabaluti

Walang kalawang na kakapit

Sa gintong puso’t isip.