Ulan bumuhos ka tulad ng isang nakaraan,
Ngayong hapon
Kung saan ang dugo ko’y nakalalango,
Pabahain ang mga alaalang naligaw,
Sa iyong daluyong, sundalo akong susugba,
Sa iyong ginaw, ‘di ako mamumutla,
Mga dumi mo’y walang dalang pangamba,
Handa akong lumusong
Kung pangalan man ng daa’y katapusan.
Ang mga pait,
Na umuka sa puso,
Hindi mahihilom hanggang
Aking maisalba
Ang mga pagkakamaling nagawa.