Friday, May 8, 2009

Sulat sa isip

Malabo ang tubig sa matang humarang

Upang makita ang nananawagang daan:

Pag-iingat, 

Ingatan ang pusong nasugatan!


Maraming nakakasalubong

Sa mahabang pagkawala,

Aking tinig kinain ng kirot,

Sa lupa ang puso nakayuko,

Lasing sa paninibugho,


Nasaan ka, ikaw na nakalimot

Sa tagpuang mahal?

 

Pauwi na ako irog,

Pauwi sa hantungang hindi ko alam.

 

No comments:

Post a Comment