Monday, February 8, 2010

Pananabik

Hinahanap ko ang mga daliri mo sa aking mga utong,

Mga ulap na nagpapakalma sa nililitid na mga bulkan,

Soloista,

Panay ang pausok

Madilim na sulok,

Ang haba ng panahon ay haba ng panggagalaiti,

Pananabik ay isang dagat na mainit pag sinuong,

Imahinasyon ang gubat ng mayayaman,

Soloista,

Mamaya saluhan mo ng biyolin mo

Ang chopin ng gitara ko.

No comments:

Post a Comment