Wednesday, June 17, 2009

Apple

Wala siyang kapatid

Wala akong kapatid

Kaya’t kaming dalawa na lang ang magkapatid

 

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-7 kaarawan

Sa kanilang tahanan sa San Juan

Masaya akong tumakbo paitaas ng hagdanan

Upang batiin siya nang

 Mahulog ako’t gumulong sa sahig nasadlak.

 

Walang bahid ng hiya umiyak ako

Dahil sa sakit at pagkapahiya,

Lumapit siya sa akin at ako ay niyakap

Ipinagdasal niya ako kay Jesus

Na alagaan ako

Sa puso ko alam ko na

Na nais ko siyang alagaan

Kailan pa man...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment