Wednesday, June 17, 2009

Papa

Kung makikita lang ninyo

Ang reaksyon ng aking itay

Habang nakahiga

sa isang pribadong silid

Sa isang pribadong ospital

Nang sinabi ng doctor

na animo’y pari sa kaputian

Na kailangang putulin kanyang kaliwang paa

Sa ilalim ng tuhod

Dahil malalason buo niyang katawan ng kanyang dugo

Dahil sa sugat na tinamo sa pagkakaapak

Sa isang maliit na bato na bumutas

Ng kanyang tsinelas, talampalakan at puso,

Malamang mga mahal kong kaibigan,

Sa harap ng isang diabetiko

Sa mismong sandaling iyon,

wala kayong reaksiyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment