Wednesday, June 17, 2009

Kayamanan ni John at Yoko (Panganay na tula para kay Myrich Madrilejos)

Ang kargahin ka at awitan ng oyayi

Maski ‘di  mo ako ninong

Ay lunas sa sugat na aking tinamo

Nang aking nabalitaan

Na bininyagan ka na pala.

 

Isang taon na, makaraan ang unang Pebrero 4…

Saksi ako sa paghingang along matiwasay

Ng iyong mga magulang makaraang ika’y maluwalhating mailuwal

Sa Ziga Hospital , Tabaco City .

 

SInakbibi ka ng iyong ama sa kanyang dibdib,

Minuto makaraan ang 9 na buwang pananabik,

Direktor siyang may mata

Sa isang masaganang tadhana.

 

Nanlalambot ina mong tinabihan sa kama

Sa labas ng ward sa pasilyo,

Ngunit may siglang umaalingawngaw

Sa bawat testigong dibdib.

 

May kayamanang ‘di nakasisilaw sa ating lahat,

May mensahero ng liwanag, kayamanan

Sa mundong paaralan, kayamanan,

Kayamanan ang mabiyayaan ng mga magulang, kayamanan

Na guro sa isang buhay ng makinang.

 

                                         

 

 

            

No comments:

Post a Comment