Minamahal kong pagpapakumbaba,
Nais kong humingi ng tawad
Sa aking sinisinta
Sa paglingon ng puso ko sa iba.
May mga gabi, araw kasi
Na kanyang yakap ayaw umalingawngaw,
Kailangan daw ng igting ng sandali
Upang ritmo ng aking paglalambing masalìwan.
May mga panahong labi ko’y inilalayo
Ng palad niyang nahihiya
Sa mapanghusgang mata ng madla
Ngunit sa paglisan ng gabi
Upang papanhikin ang binhing araw…
Aking natanto sa aking
mga intergalaktikong pagninilay
Na sa busilig ko ay tanging ako,
Ako nakatindig sa ulo ng daigdig,
Walang ibang mata,
Walang ibang tenga
Panlulumo pakiusap, sa akin ‘wag kang mahabag
At muli kong naunawaan
Na may ikinukubling tamis ang luha.
Sinta, ang paglingon ng aking puso’y
Paglingon lamang…
Ang biyayang pagkakataong magmahal
Ay ligayang ‘di matatawaran.
No comments:
Post a Comment