May dalang lungkot ang basa ng lupa.
Kapag bumuhos ang ulan, walang kalsadang ‘di nababasa,
Gaano man ito katigas, lumalambot ang semento
Sa pangungulilang dala ng mga abenida kalye eskinitang tigmak
Sa nagdaan ngunit nananatiling masamang panahon.
Nananampalataya na dibdib ko’y di magigiba,
Ng hanging humahagunot
O ng martilyo ng pait
Na nangingibabaw sa puso kong estranghero pa rin
Sa mga mukha ng pangungulila sa paligid
na isang salamin ng aking tunay na kalagayan.
No comments:
Post a Comment