Tulog ang iyong ina, mahal
Idinantay ko ang tenga ko sa kanyang apat na buwang tiyan,
Alam kong narinig mo ako,
nang inawitan kita ng isang kundiman,
Kinuha ko ang mga letra sa harapang bintana ng aking isip,
Ang himig ‘di ko alam kung saan ko nakuha:
Mahal, maubusan man tayo ng pagkain,
At kung pang mayaman na lang ang kolehiyo,
Babasahan kita ng mga
Upang mabasag ang iyong puso,
At ang pagpulot ng mga piraso nito ang iyong ikabubuhay.
Agad lumubog ang aking ulo sa unan,
ramdam ko ang pagyakap ng iyong ina.
No comments:
Post a Comment