Wednesday, June 17, 2009

Kaganapan ng isang muni-muni

Inubos ko ang gabi sa pagmumuni kay Van Gogh,

Ang gabing ‘di maubos ubos nais kong ubusin sa paghahanap ng kasagutan

Sa along mananayaw ng kalangitan ng madaling araw.

 

Dukha ako sa panahong palos,

Binabalabalan na ng dilim ang aking natitirang lakas,

Pero shabu ang Dreams ni Kurosawa,

Nakapaglalaway ang pagganap ni Scorsese kay Vincent;

Olympian ako sa pakikipagbuno sa antok.

 

Niyakap ko ang aking unan,

Pero kailangan kong tumayo at ilabas ang ulo sa bintana.

 

Sinilip ko kung paikot-ikot ba ang liwanag ng mga bituin

Sa itaas ng mga bahay.

 

…ilang minuto rin bago ako muling pumasok sa kwarto

At kusang nagpatihulog sa balani ng unan at kumot.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment