Wednesday, June 17, 2009

Tandang pananong ang hinaharap

Bumuka na pala ang Rosal

sa 'ming maaliwalas na bakuran 

isang umaga.

 

Sa paghigop ng tsaa

labi ko'y napatda

karelasyon ng pala kita

 

nang kinalabit ako ng isang paruparo

ng biglang dumao sa Rosal,

ang pakikipagtalik

ay ilang segundo lamang

pagkaraos paruparong itim nagpaalam.

 

bigla ang aking muling paghigop sa tsaa,

dila ko'y natulala

napatingala ako sa mga asul na ulap,

napabuntong hininga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment