Nadulas sa pinupunasang sahig si inay,
Mga limang baitang,
humampas kanyang tagiliran
Sa tarantadong sementadong sahig,
Nasipa niya ang balde
At bumuhos ang naipong tubig ulan sa pulang lapag,
Dahan-dahang kinakain ng lumalakas pang hangin
Na sumusuntok sa dingding
Ang hikbi ni inay
Kong kuyom pang basahan.
Ang kanyang ulo salo ng tuhod...
Tila namatayan,
Kumukulog ang aking dibdib,
Estatwang nabubuwal ako sa kanyang harapan,
Pero may sungay akong napapangisi
Dahil ‘di niya ako inabutan ng barya kanina
Upang makapaglaro ng Super Mario Brothers
Sa may looban.
No comments:
Post a Comment