Monday, December 15, 2008

May panahon para sa lahat ng bagay

Nagmumukmok ang oras sa pagitan natin,

‘di kayang madaliin ang sandali,

ang kalendaryo naiinip

sa bagal ng pagusad ng mga petsa

ang sapatos pantalon damit ko pita nilang sila’y suutin na

‘di na sila mapakali na magkita tayo,

baligho lang ang lahat alam ko,

sa mga ganitong pangungulila

pasensya ang pinakamainam na medikasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment