Monday, December 15, 2008

…kay,

Lumapit ka sa akin,

tahimik na umupo ikaw na may nangangamatis na ngalumata,

nakikita ko na umiikot ang isip mo kung aalis ka upang daigin ang Maynila,

ang daan ay daanan ng kaligayahan at maaaring kalungkutan,

ilang beses mo nang sinabi na magaling ka at walang mawawlala sa iyo,

Hindi pakikipagsapalaran ang pag-ibig sa pamilya,

Gagawin mo ang dapat gawin…

 

Msy makulimlim ka sa kadilimang unti-unting sumusugod,

sana’y mapakinggan mo ang tinig ko sa gitna ng lakas ng ulan,

dumadaan ang lahat, gawin mo lang ang tingin mong kailangan mong gawin,

tawagan mo lang ako, lalapit akong umiiyak.

 

Tula para sa isang kaibigan mula sa daigdig ng imahinasyon

 

 

 

No comments:

Post a Comment