Monday, December 15, 2008

Hinuha sa mailap na dalaw ng antok

pinalulutang kaya talaga ng espiritu ng kape ang aking diwa
o ang mga hiwang dulot ng hatinggabi
sa katanghalian ng aking pag-iisa
ang sa aki'y di nagpapatulog?

alam kong ninanakawan ako ng himbing
ng mga mukhang lumukos mga mukhang nakangiti
na aking mga nakilala nakasalubong sa daan,
ang kanilang tawanan usapan iyakan
ay bahagi na ng aking kabuuan,
mga drama nila'y 'di binebenta
pero sumanib sa akin pagkat ako ay sila.

sa pagkatuyo ng huling patak ng kafeine sa ‘king kopita,
may ningas pang aking mata,
mabigat ang ulo,
namumuo ang alat sa gilid ng mata,
nais kong mag-alay ng oras at mag-isip ng paraan
sa kahihimbing nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment