Monday, December 15, 2008

Hindi ito isang banta

Kudos sa inyo Elmo at Djai

 

Elmo, dalawa na agad ang anak mo,

Naipapakain naman ang pag-ibig,

Maniwala ka sa Eagles.

 

Hindi pagitan ang dalawang probinsya,

Naniniwala akong ‘di ka baligho,

Dahil kung isa ka lamang ilusyon,

At bitayin mo ang kaibigan ko

Ng iyong mga salita o kamao,

Gagawin na lamang kitang isang alaala,

Alaalang pakakainin ko sa piranha ng panahon…

 

Huwag kang mag-alala, makakausap mo pa rin ako tungkol sa musika,

Tungkol sa sining at sa mga eksena,

Ngunit may pader sa pagitan natin at sinisigurado ko

Na sa iyo iyon tutumba.

 

 

No comments:

Post a Comment