Nais kong pag-aralan na pabagalin ang pintig ng aking puso
Upang mabuhay sa ilalim ng kumunoy ng panahon.
Nais kong matutunan na lumipad,
Hindi tulad ng isang ibon,
Kundi ang lumipad malayo sa aking katawan.
Hindi ako ang katawan,
Nakita ko ang aking dating patpating katawan,
Nang ito’y nagliliyab sa lagnat.
Nasa ibabaw ako,
Halos kadikit ng kisame,
Takot pa akong lumabas ng bintana,
Kaya’t bumalik ako sa katawan,
At nagtiis ng mga pasakit
Tulad ng pananakit ng ngipin.
No comments:
Post a Comment