Monday, December 15, 2008

Isang gabing umuwi ang aking mag-ina

Tabaco alas siyete, kapeng itim sa dulo ng aking dila,

Mainit pa kaya pinatong ko muna ang tasa sa mesa,

Lumabas ako ng bakuran nakayapak,

Sinusunog ang pighati sa pangungulila sa aking mag-ina sa hangin,

Inabot ko ang tulod ko ng aking ulo,

Pinapakinggan ang aking paghinga,

Medyo nahilo ako pagtayo ko,

Umupo sa upuang kahoy na nakayuko at pagpikit,

Dinilaan ako sa pisngi kamay tenga ng naglapitang alagang tatlong asong babae.

 

Napatingin ako sa kanilang ngiting mahahaba at gumuhit ng ngiti.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment